Ang Bisa ng Kagamitang Pampagtuturo sa Pagpapaunlad ng Bokabularyo
Keywords:
Kagamitang Pampagtuturo, Bisa ng Kagamitang Pampagtuturo, Pagpapaunlad ng BokabularyoAbstract
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matantiya ang kahalagahan ng paghahanda ng mga kagamitang pampagtuturo sa pagpapaunlad ng mga kasanayang pambolkabularyo ng mga mag-aaral sa ikaapat na baitang sa Purok ng San Jorge, Sangay ng Samar. Ang naturang pag-aaral ay gumamit ng paraang iksperimental sa pamamagitang ng desinyong una at huling pagsubok . Ito ay nakalaan para sa labing-isang paaralan sa Purok ng San Jorge. May dalawang pangkat ng mag-aaral ang kabuuan ng pag-aaral sa Purok ng San Jorge. May dalawang pangkat ng mag-aaral ang kabuuan ng pag-aaral na ito. Ang pangkat iksperimental at pangkat control ang mga mag-aaral na ito. Pinantay na paraan ang mga hulwarang pangkat ayon sa pangkalahatang marka ng mga mag-aaral sa unang panahunan ng pagmamarka. Ang pagsubok “t” ay ginamit para sa nakapag-iisang mga hulwaran sa paghambing ng dalawang pangkat ginamit ang kahalagahang “t” sa .05 pantay ng katuturan at df=20. Sa paghambing ng tamtamang iskor ng una at huling pagsubok ng dalawang pangkat, ang kahalagahan ng pagsubok “t” (t-test) sa .05 pantay ng katuturan at df=10 ay ginamit. Bagam’t ang katuusan ng halaga ng “t” ay mas malaki kaysa halaga ng talahanayang halaga ng “t”, ang nal haypotesis ay hindi tinanggap. Ang mga natuklasan sa pag-aaral na ito: (1) may makabuluhang pagkakaiba ang pangkat iksperimental at pangkat kontrol sa una at huling pagsubok, (2) may makabuluhang pagkakaiba ang una at huling pagsubok ng pangkat iksperimental. Ang konklusyon sa pag-aaral na ito: (a) mas mabisa ang pagtuturong modyular sa pamamagitan ng inihandnag kagamitang pampagtuturo sa Filipino kaysa sa pagtuturong tradisyunal, (a) bagama’t magkaparehong makabuluhan ang pagkakaiba ng una at huling pagsubok ng dalawang pangkat, mas malaki ang agwat ng dalawang pagsubok sa pangkat iksperimental. Ito ay nangangahulugan na ang makabuluhang pag-unlad ng tamtamang iskor ng pangkat iksperimental ay dahilan sa paggamit ng mga kagamitang pampagtuturong pambokabularyo. Nirerekomenda ng mananaliksik na subuking gamitin ang kagamitang pampagtuturong ito sa pagpapaunlad ng mga kasanayang pambokabularyo at iminumungkahi rin ng mananaliksik na sikaping samahan ng paggamit ng mga tunay o di-tunay na mga bagay ang bawat gawaing pagtuturo upang higit na matamo ang pagpapaunlad ng mga kasanayang pambokabularyo.