Ang Bisa ng Paggamit ng Popular na Awitin sa Pagsulat ng Sulating Pormal

Authors

  • Lucita Cinco Samar State University
  • Lourdes Espares Samar State University

Keywords:

Awitin, Pagsulat, Sulating Pormal

Abstract

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong tuklasin ang bisa ng paggamit ng popular na awitin sa pagsulat ng suliraning pormal sa paaralang Samar State Polytechnic College, Catbalogan, Samar. Ang pangkat eksperimental at pangkat kontrol na may unang pagsubok at huling pagsubok ang disenyo ng pag-aaral. Ang t-test sa 0.05 na antas ng kabuluhan ang ginagamit na batayan sa pagpanggap o di-pagtanggap sa ipotesis sa pag-aaral na ito. Ang mga tinuos na halaga sa t-value sa ilalim ng pinaglapatan ay masyadong mababa kaysa sa halaga sa talahanayan kung kaya’t ang ibang ipotesis ay tinanggap ang pag-aaral. Ang kinalabasang ito ay nangangahulugang halos magkatulad ang antas ng kabatiran sa pagsulat ng pormal na sulatin sa ginagamitan ng popular na awitin at ang pagsulat nito na walang ginagamit na awitin pagkatapos isagawa ang pananaliksik. Ang kinalabasan ng huling pagsubok ng pangkat experimental at pangkat kontrol ayon sa grado sa Filipino II, ang grado ng mga mag-aaral ay hinati sa dalawang kategorya. Ang unang pangkat ng mga mag-aaral ay may grado mula 90 pataas at ang ikalawang pangkat ay may grado mula 89 pababa. Ang tinuos na t-value ay 1.16 na mas mababa sa talahayang t-value na 2.086 at 0.05 antas ng kabuluhan nang dfa= 20. Ito ay nagpapatunay na ang ipotesis na nagsasaad na walang mahalagang pagkakaiba ang tamtamang iskor ng huling pagsubok ng pangkat experimental at pangkat kontrol ayon sa grado sa Filipino II ay tinatanggap. Ito ay nangangahulugan na ang grado ng mga mag-aaral na pinangkat, ang pangkat experimental ay magkapareho ng kakayahan sa pangkat kontrol.

 

References

MGA AKLAT

Adorno, Teodoro W. Philosophy of Modern Music. London: Sheed & Ward, 1978.

Belvez, Paz M. Ang Guro at ang Sining ng Pagtuturo, Philippine Normal University, 1984.

Belvez, Paz M. Gamiting Filipino sa Pagbasa at Komposisyon. Aklat sa Filipino I), Pandalubhasaan at Pamantasan, Rex Book Store, 1985.

Diksyunaryo ng Wikang Filipino - Sentenyal na Edisyon, 1998.

Filipino I - Serye ng SEDP, 1987

Filipino II - Serye ng SEDP, 1987

Grolier, The Grolier International Dictionary, Vol. 2, Manufactured in the U.S.A, Computer Composed by Inforonics, Inc., 1986.

Herrin, Alejandro N. Evaluating Development Projects: Principles and Applications Philippines: NEDA Population Development Planning and Research Project, 1987.

Kreept, Peter. Making Choice, Word of Top Foundation, Inc. Manila, 1998.

Matute, Genoviva E. et al. Filipino sa Bagong Panahon, Unang Paglilimbag, National Bookstore, 1981.

New Webster Dictionary, (Florida, P.S.I. and Associates, Inc.), 1990.

Punsalan, T and Uriarte, G. Statistics: A Simplified Approach, Manila: Rex Publishing Co., Inc.), 1987.

Sauco, Consolacion P. at San Miguel, Raquel L. Sining ng Komunikasyon II, Unang Edisyon, 1980.

Tovera, Grace G. Musika I, 1991: 136

B. MAGASIN/PERIODICALS

Abangan, Bella Angeles, “Pampasigla ang Musika” Lakbay Diwa, Setyembre 25, 1989.

Anthony, Michael, “Towards a Genuine Approach to Composition Writing”, Forum, April, 1988, Vol. XXVI.

Kopland, Aaron, “Ang Pakikinig: Mahalagang Bahagi ng Musika”, Lakbay-Diwa, 1991.

Tupaz, Regalado, Summer Institute sa Filipino, University of the Philippines, May, 1992.

C. MGA TESIS

Asistol, Vilma, “Mga Paksa sa Sulating Pormal ayon sa preperensya ng mga mag-aaral” Di-nalathalang Tesis, SSPC, Catbalogan, Samar, 1989.

Benter, Nepo Jerome, “The Philosophy of Music. Unpublished Thesis in Philosophy”, Christ the King Mission Seminary, Quezon City, 1998.

Bartolome, Rosario M. “Ang Bisa ng Phono-Visual Oral Sound Blending - Meaning sa Pagdulog sa Kahusayan ng Pagbasa sa Filipino ng mga Mag-aaral na Waray”, Di-nalathalang Disertasyon, Divine Word University, Tacloban City, 1983.

Calsado, Magdaleno Tagaon, “The Composition on Interest of the First Year Students in the Ilocos Norte High School, Di-nalathalang Tesis, U.P., 1978.

Corduwa, Suzette, “An Bisa ng Paggamit ng Filipino sa Asignaturang Sariling Pili (Pananahi)”, Di-Nalathalang Tesis, SSPC, Catbalogan, Samar, 1988.

Moscosa, Rebecca. “Free versus Controlled Composition Writing: A Comparative Study”, Unpublished Thesis, Baguio Vocational Normal School, Baguio City, 1980.

Roumar - Samoza, C. Isang Pagsusuri ng mga Kamalian sa Sulating Pormal sa Filipinong mga Mag-aaral sa Ika-apat na Taon ng Mataas na Paaralan ng Kolehiyo de Katedral, Di-nalathalang Thesis, Lungsod ng Dumaguete, 1982.

Seludo, Florcerfino L. “Mga Suliranin sa Pagtuturo ng Filipino sa Intermedya”, Di-Nalathalang Tesis sa Master sa Sining, Pamantasan ng Pilipinas, 1976.

Ynota, Floilan T. “Pag-aaral sa mga Karaniwang Kamalian sa Pagsulat na Filipino ng mga mag-aaral sa unang taon ng apat na mataas na Paaralang Bayan ng Sangay ng Samar”, Di-nalathalang Tesis, Manuel L. Quezon University, Manila, 1986.

Published

2022-08-01

How to Cite

Cinco, L., & Espares, L. (2022). Ang Bisa ng Paggamit ng Popular na Awitin sa Pagsulat ng Sulating Pormal. SSU - Digital Archive for Theses and Dissertations, 17(1). Retrieved from https://datd.ssu.edu.ph/index.php/datd/article/view/151